a pillar of contemporary philippine showbiz is gone. douglas "tito dougs" quijano is dead.
*****
here's a report from philippine-based entertainment writer allan diones:
SA INDUSTRIYANG PUGAD NG MGA PATING, SI TITO DOUGS AY ISANG DOLPHIN!
by Allan Diones
ANG shocking news na pumanaw na si Tito Douglas Quijano ang gumising sa amin nu’ng Sabado nang umaga.Hanggang kahapon na tinitipa namin ito ay umiiyak pa rin kami at parang hindi pa nagsi-sink in sa amin na wala na ang pamosong talent manager at haligi ng industriya na minahal at naging kaibigan namin nang matagal-tagal na panahon.
Nakausap namin kahapon sa telepono si Kuya Ces Evangelista, isa sa matatalik na kaibigan ni Tito Dougs at kasama niya sa ipinatayo niyang bahay sa Lucban, Quezon nang matagpuan siyang wala nang buhay bandang 10:00 AM nu’ng Sabado (Hunyo 13).
Gustong ikorek ni Kuya Ces ang maling naisulat sa ibang pahayagan kahapon na winasak ang pinto ng kuwarto o puwersahan itong binuksan bago nakita ang bangkay ni Tito Dougs.Si Kuya Ces mismo ang kumuha ng master key at nagbukas ng kuwarto nu’ng mapansin nilang hindi lumalabas si Tito Dougs gayong lagi itong maaga kung magising.
Nilinaw rin ni Kuya Ces na hindi nila nasilip si Tito Dougs na nakahiga pa sa kama bandang 9:00 AM. Totoong pinasilip daw nila ito sa katulong mula sa gilid ng kuwarto na may salamin, pero dahil hindi katangkaran ang maid at hindi nasilip nang buo ang loob, malamang ‘yung nakaangat daw na comforter sa kama ang napagkamalan ng kasambahay na katawan ni Tito Dougs at patagilid na natutulog.Sabi pa ni Kuya Ces, ayon sa SOCO ng Lucban na tumingin sa bangkay ni Tito Dougs, base sa kulay violet na nitong talampakan ay at least five hours na raw itong patay nang makita nila.
Ani Kuya Ces, ang tantiya ng SOCO ay posibleng nasa 12:00 AM hanggang 2:00 AM inatake sa puso at na-stroke ang butihing manager. At dahil nakita nilang bukas na ang aircon (na patay nang matulog ito bandang 8:00 PM), malamang bandang hatinggabi o madaling-araw ito binuksan ni Tito Dougs nang mainitan (pero naka-fan lang ang aircon).Komplikasyon na rin daw sa sakit na diabetes ang sanhi ng pagpanaw ni Tito Dougs dahil ayon sa doktor nito na tumingin sa kanya nu’ng Biyernes nang gabi ay bumagsak ang kanyang sugar level kaya siya nagtsi-chill. Sabi sa amin ng longtime driver ni Tito Dougs na si Francis nang makausap namin ito sa lamay kahapon nang umaga ay hindi nila sigurado kung ininom ni Tito Dougs ang gamot na ibinigay ng doktor para sa kanyang sugar condition.
1 comment:
tito dougs is one great guy at walang kaaway. no wonder super special siya kay tony vizmonte dahil kay jomari at sa natatanging friendship.
he sent tony v a bench coffetable book that featured jomari. with jomari in tow, tito dougs treated tony v in bistro lorenzo, greenhills when he visited manila nasa heaven na nun si tony v. lol. isinama pa sa pictorial ni jomari. may tatalo pa ba doon?
kaya nagluluksa din si tony v up to now.
Post a Comment